ADAN

Monday, January 11, 2010

ito ay isang kwento na sinulat ko noong high school. na-publish sa isang national paper noong summer ng 2004, unfortunately ay hindi na ibinalik ng ka-klase ko ang huling kopya ko ng dyaryong iyon, kaya isinusumpa ko siya. buti na lang nakita ko pa ang soft copy sa aking email. noong panahong sinusulat ko ito nabukasan din ang isip ko kung ano nga ba talaga ako. lumabas ako at inamin sa mundo na ako ay hindi diretso.

**********************************************************************************

Nagsimula sa pag-uusap namin sa chat, nasundan ng pagti-text at hanggang sa tawagan. Dumating ang panahon na ginusto na namin magkita, at nangyari nga. Isang hapon ng Linggo ay nagkita kami sa harap ng simbahan ng Quiapo, napakaraming tao at medyo nahirapan kaming makilala ang isa’t-isa. Sa pagtatagpong iyon ay naging masaya kami. Tinapos namin ang misa na pang-alas-sais, tapos ay dumiretso kami sa isang fast food upang doon ay maghapunan magkasama. Mga isang oras rin kaming nag-usap ng tungkol sa aming mga sariling buhay. Sa mga panahong iyon ay parang ayaw na naming matapos ang gabi. Nang sumunod na araw pagpasok ko sa eskwela ay naikwento ko ang mga nangyari sa akin nang gabing iyon sa aking mga kaibigan. Masaya ako noong araw na iyon at halos lahat ng aking mga kamag-aral ay aking binabati. Napansin ng matalik kong kaibigan, si Lester, na labis nga ang aking kaligayahan at pawang lahat ng aking mga ginagawa ay maganda.

Lumipas pa ang ilang araw, muli na naman kaming nagkita, sa pagkakataong ito ay sinundo niya ako pagkatapos ng aking klase. Masaya na naman ako, dahil sa bawat pagkikita namin ay mas lalo kaming napapalapit sa isa’t-isa. Nagtungo kami sa isang mall, doon ay naglakad-lakad kami at bumili na rin kami ng ilang bagay para sa aming mga sarili, matapos ng nakakapagod na paglalakad naisipan naming kumain sa isang restaurant, siya daw ang taya. “Grabe, bakit ang saya ko kapag kasama ko siya”, naibulong ko sa aking sarili. Sa lalim ng gabi ay madalas ko rin siyang maisip, ano na kaya itong nararamdaman ko?

Isang araw habang ako ay kumukuha ng pagsusulit sa isang klase, tumawag siya sa aking cellphone, nairita ako kasi nagba-vibrate yung cellphone sa bulsa ko. Pagkatapos na pagkatapos ng aking eksam ay lumabas agad ako ng silid upang tawagan siya, “Bakit ka ba tumawag? Anong importanteng bagay ang sasabihin mo?” sinagot niya ang mga tanong ko, “wala na mimiss lang kita kaya kita tinawagan”. “Ganon, alam mo bang nagi-exam ako kanina,” “sorry po, miss lang po talaga kita”. Mula sa tawag na iyon ay muli na naman akong kinilig at parang bigla-bigla ay nais ko na ulit siyang makita. Ngunit hindi maaari dahil marami akong naka-planong gagawin para sa linggong iyon.

Sa nakaraang dalawang lingo ay hindi kami nagkita,puro tawagan at text lamang ang aming naging komunikasyon. Sa mga linggong iyon ay labis akong natuliro, bawat ginagawa ko ay parang lagi na lang ay may kulang. Muli, napansin na naman iyon ni Lester, maging ang aming mga kaklase. “Ano na bang nangyayari sa iyo, kala ko ba balak mong maging cum laude?, Bakit parang pinababayaan mo ang pag-aaral, lagi kang late tapos mabababa pa ang score mo sa exams?”. Ang tanging sagot lamang na namutawi sa aking bibig ay, “nami-miss ko na po siya!”, kaya ko siguro napapabayaan ang aking pag-aaral ay dahil sa kanya. May lumapit sa aking isang kaibigan at sinabing “In love ka no!”, “Totoo nga kayang mahal ko na siya?”. Nang gabing iyon ay nag-ring ang telepono, agad kong sinagot, walang duda na siya na nga, tumagal ng ilang oras ang pag-uusap namin sa telepono, bunsod na rin siguro ng magatagl naming hindi pagkikita. Muli na namang sumigla ang aking mundo , damang-dama ko iyon. Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay sinabi niya ang totoo, na mahal nga niya ako, sa pagtatapat na iyon ay nagtapat na rin ako. Mahal nga namin ang isat-isa. Nang sumunod na araw ay sinabi ko ang bagay na iyon sa aking mga kaibigan, lubos ang naging pagtutol nila, “Hibang ka na ba?”. Ngunit ngiti lamang ang aking naging kasagutan. Nalaman iyon ng buong klase, ang iba sa kanila ay sang-ayon ngunit mas marami ang hindi, isa na rito si Lester. Hindi akalain ng matalik kong kaibigan na kaya ko iyong gawin. “Bahala ka, sana hindi ka magsisi sa ginagawa mo”, “Lester, e mahal ko nga siya e!”.

Ang aming relasyon ay tumagal ng tatlong taon, si Lester naman ay naging matalik ko pa ring kaibigan. Kanya rin natanggap ang lahat sa paglipas ng panahon. Sa tatlong taon na iyon ay malabis kaming naging masaya. Ako bilang isang mag-aaral at maluwalhating nakapagtapos, gayun din si siya at si Lester. Madalas kaming lumalabas at labis na naging masaya. Ginagawa ang mga karaniwang bagay sa pagitan ng magkarelasyon, nagde-date, nanunood ng sine, natutulog magkasama at marami pang iba. Minsan din naming nasubukan mag-motel. Naibigay na namin ang aming mga sarili sa isat-isa at ipinadama ang init ng aming pagmamahalan. Naulit pa ng ilang beses. Ngunit di nagtagal at nagkaroon ng ilang di pagkakaunawaan, siguro panahon na talga.

Ang bawat relasyon ay may wakas, ang matamis naming pag-iibigan ay unti-unting naglaho. Bagamat nanghihinayang ako sa kinahinatnan ng relasyong ito, patuloy ko pa rin siyang minahal.

At kailanman hinding-hindi ko pinagsisisihan na nagawa kong magmahal ng isang kapwa ko Adan.

2 Criticism:

Dhon said...

>>At kailanman hinding-hindi ko pinagsisisihan na nagawa kong magmahal ng isang kapwa ko Adan.

Tama ka.. Naging masaya ka naman. at hindi biro ang tatlong taon.. Kahit nasaktan ka sa huli pero ang importante ay nagmahal ka.. Nagmahal ka ng totoo.. :)

Marco Jullio said...

@Dhon: Isinulat ko ito way back in HS pa.. hindi ko alam mangyayari noong college.. ang MAHALAGA nakaramdam tayo ng SAYA! Buhay