Noong unang panahon ay mayroong malungkot na Bamboo. Minsan naisipin nitong magpasira na lamang sa bagyo sa pag-aakalang walang nagmamahal at magmamahal pa sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may dumating na isang Panda. Isang nagugutom na Panda. Kinuha nito ang mga dahon ng Bamboo at kanyang kinain, natuwa ang Bamboo dahil sa unang pagkakataon ay mayroong nakapansin sa kanya at naramdaman niyang siya pala ay may halaga sa mundo. Nang matapos kumain ang Panda ay nakaramdam ito ng antok at piniling matulog ng nakasandal sa Bamboo. Simula noon ay hindi na muli pang naghiwalay ang Bamboo at Panda, isang pagsasamang nagpapatunay na sila ay para sa isa’t-isa, nilikha ng diyos para magdamayan at magsama habang buhay.
Si Panda at Si Bamboo
Sunday, January 10, 2010
written by Marco Jullio at 5:46 AM
Labels: Kwentong Pambata
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Criticism:
Post a Comment