España sa Madaling Araw

Tuesday, January 12, 2010

*********************************************

Nobyembre at Disyembre ni AKO at ang DATI

Binalikan ni ako ang dati, sa pag-asang maulit ang kahapon.
Sinimulan ni ako sa isang simpleng mensahe ng hindi naghahangad ng kasagutan.
Sumagot ang dati at muling nabuo ang tulay sa pagitan nila ni ako.
Naging masaya at pauulit-ulit na tumawa.
Naisip ni ako hindi pa din s'ya nagbago, ang dati pa rin minahal ni ako.
Umiyak ang dati, sinabing mali ang panahon ng pagbalik ni ako.
Tinanong ni ako, paano naging mali?, iyak na lang ang muling sagot.
Hiniling ni ang dati na huwag umalis ni ako, at siya namang pinagbigyan ni ako.
At 'yon na nga, natapos ang taon magkasamang muli ang dati at ni ako.

*********************************************

KAGABI

Ilang araw matapos ang kaarawan niya, dinalaw ko siya sa kanyang apartment. Binigay ang mga bulaklak na muntik ng malanta sa paghihintay ng muli naming pagkikita. Kinamusta ang matamlay niyang mga ngiti at pilit na inilabas ang kanyang mga ngiping mapuputi. Hindi ko alam kung oras na para sabihin ko sa kanya ang lahat, kaya bago ko sinimulan sinugurado ko munang maayos naman siya. Ito ang aking mga sinabi;


Nahihiya ako sa iyo. Hindi ko kasi gustong isipin mo na ako ulit ang mang-iiwan. I will just be here, I'll be around. I just need to focus on my own life now. Hindi na muna siguro kita kukulitin. I need my time now to think and make a decision for my self. Time mo na din para malubos mo ang iyong pag-iisip. Kung nakapag-decide ka na, just let me know para I can let you in on my life again. Just in case ako lang naman ang swertehin pero kung hindi maybe we can just go back to being friends. Naging masaya ako na nagkita tayong muli. Siguro magkikita na lang tayo ulit kapag handa na tayo pareho. Kapag wala nang iba bukod sa atin. Thank you sa lahat J*****.


Natapos ang litanya ko at ang nasabi na lang niya ihahatid na kita. Paglabas namin ng apartment niya naglalakad kami ng walang imikan. Pagdating sa pilahan ng tricycle, walang nakapila. Sabi niya, "Ayaw ka paalisin, ay pauwiin pala.", at singot ko naman na, "Kailangan ko na e!".



*********************************************

KANINA

While browsing a song book na mayroon dito sa bahay nakita ko ang kantang ito. Kinanta ko at pinilit na kinuha ang tono. Naalala ko kagabi lang pala ay nagpaalam ako kay J*****. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanta ko ito para sa kanya o dapat na siya ang kumanta nito para sa akin. Aalis ako hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Nagpaalam ako dahil iyon ang dapat. Kailangan niyang mag-isip. Komplikado ang bagay na mayroon kami. Hindi ko masabing may iba dahil wala naman pero mayroon talaga. Ako ang kanyang problema at hindi niya iyon maaayos ngayon. Kaya siguro di-distansya na muna ako sa kanya.

Can I take your smile home with me
Or the magic in your hair
The rain has stopped
The storm has passed
Look at all the colors
Now the suns here at last
I suppose that you’ll be leaving
But I want you to know
Part of you stays with me
Even after you go
Like an actor plays in someone else’s scene
This could not be happening to me

But you were there
You were everything I’d never seen
You woke me up from this long
And endless sleep
I was alone
I opened my eyes
And you were there

*********************************************

NGAYON

Sinulat ko ang blog na ito dahil gusto ko. Gusto kong maalala ang bawat detalye ng mga nangyari noong NOBYEMBRE, DISYEMBRE, KAGABI at KANINA. Hindi ako mabubuhay sa nakalipas gusto ko lang maalala at paulit-ulit na madama ang tamis ng nagdaang huling buwan ng buhay ko. Gusto ko lang talaga.

*********************************************

BUKAS at sa mga DARATING NA MGA ARAW

Mag-iiba na ng kaunti ang mga araw ko. Wala na akong babatiin ng good morning sa umaga katulad ng pagbating gingawa ko sa kanya. Wala na akong pipiliting ngumiti sa tuwing maha-high blood siya sa mga students niya. Wala na akong dadalawin sa apartment sa may San Jose. Wala na din akong mararamdamang kaba sa tuwing hindi siya magte-text o tumatawag man lang. Wala na akong reason para mag-stay pa dito sa condo sa may España. Madami na ang mawawala pero alam ko sa takdang panahon kapag alam na niya ang sagot babalik muli ANG DATI kay AKO at magiging masaya sila. Kung hindi man ganoon malamang babalik kami sa kung ano kami bago nagkaroon ng malisya ang lahat.

*********************************************

6 Criticism:

Anonymous said...

sometimes, u need to go far to see the closest thing to u.. atta-boy

Marco Jullio said...

awww... you get up so early and me i haven't got any sleep yet. thank you for the support!

Unknown said...

Na-lss akong bigla.

If I understand your post correctly, I'd say you're brave. And wise.

That's right. Blog it away. :)

And hope clarity, a resolution, comes soon.

Marco Jullio said...

@Manech: Maraming salamat sa pag-basa. Me too, I'm hoping without expectations.

Ax said...

i will be right back..

i'll always will just for the sake of chicken curry.

ecarg said...

maraming pabigla biglang desissyon, malamang pinag-isipan, pero alam ko na alam mo yung ginagawa mu, dito lang ako para suportahan ka.. mahal ka namin...