on Closing Cycles

Sunday, December 5, 2010

Paolo Coelho's
ClosingCycles

One always has to know when a stage comes to an end.

If we insist on staying longer than the necessary time, we lose the happiness and the meaning of the other stages we have to go through. Closing cycles, shutting doors, ending chapters – whatever name we give it, what matters is to leave in the past the moments of life that have finished.

Did you lose your job? Has a loving relationship come to an end? Did you leave your parents’ house? Gone to live abroad? Has a long-lasting friendship ended all of a sudden?

You can spend a long time wondering why this has happened. You can tell yourself you won’t take another step until you find out why certain things that were so important and so solid in your life have turned into dust, just like that.

But such an attitude will be awfully stressing for everyone involved: your parents, your husband or wife, your friends, your children, your sister, everyone will be finishing chapters, turning over new leaves, getting on with life, and they will all feel bad seeing you at a standstill.

None of us can be in the present and the past at the same time, not even when we try to understand the things that happen to us. What has passed will not return: we cannot for ever be children, late adolescents, sons that feel guilt or rancor towards our parents, lovers who day and night relive an affair with someone who has gone away and has not the least intention of coming back.



Things pass, and the best we can do is to let them really go away.

That is why it is so important (however painful it may be!) to destroy souvenirs, move, give lots of things away to orphanages, sell or donate the books you have at home. Everything in this visible world is a manifestation of the invisible world, of what is going on in our hearts – and getting rid of certain memories also means making some room for other memories to take their place.

Let things go. Release them. Detach yourself from them. Nobody plays this life with marked cards, so sometimes we win and sometimes we lose. Do not expect anything in return, do not expect your efforts to be appreciated, your genius to be discovered, your love to be understood. Stop turning on your emotional television to watch the same program over and over again, the one that shows how much you suffered from a certain loss: that is only poisoning you, nothing else.

Nothing is more dangerous than not accepting love relationships that are broken off, work that is promised but there is no starting date, decisions that are always put off waiting for the “ideal moment.” Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back. Remember that there was a time when you could live without that thing or that person – nothing is irreplaceable, a habit is not a need. This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.

Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life. Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust.



Stop being who you were, and change into who you are.

...with this article by COELHO, I HOPE we can now all take our step out of our past. BROKEN RELATIONSHIPS, friends who bid FAREWELL, someone's DEATH, FAILED subjects, boring JOB and many other heavy baggages we carry in a day's life."

The Day I became Silent

Sunday, February 14, 2010

Fact:
In Verona, where Shakespeare's tragedy of Romeo and Juliet happened, every year thousands of love letters are sent addressed to the two romantics.


Today is Valentines Day. If you haven't received your own letter, you just wait, or better update your address, maybe Cupid is just lost looking for it.

In our apartment with some friends, we've started celebrating valentines with some red wine and nachos. We have taken some pictures, memories we would always remember as singles of course except for Myles and Mitch, who are together, and hopefully next year things will get better for us, hoping to celebrate it with our soon to be better half.

Earlier, before Valentines Day Eve, I just slept the whole day. I had nothing to do, nothing special and no someone to celebrate the occasion. As soon as I got out from bed after an afternoon sleep, I just decided to go out for some fresh air. I took a shower and took off. With no place to go I just rode a cab. I don't really know where to go. When the driver asked me, I just said Edsa Central. After a few minutes I'm at my destination and I just found my self on the place where I usually have coffee with my closest friends. Alone, I just had a few sip from my coffee, had some sticks of smoke and a few text messages from some friends. I want to go home and yet I realized I am a nobody in a no where.

I manage to go back to the apartment and yet I still feel lonely. I don't know. I hate it whenever I feel guilty of a fault I never did. I am always disregarded. A friend when others are not there to be with them. I don't know how to deal with this.

That night ended with some serenades for Myles, of course requested by Mitch, and then I wrote this blog hoping to have a better sunshine in the morning.

na-FALL OUT OF LOVE KNB...?

Tuesday, January 19, 2010

Matagal nang napatunayan na ang kahit anong usapan basta tungkol sa PAG-IBIG ay palaging magiging makulay, kasing kulay ng bahaghari tuwing matatapos ang ulan, at malawak, tulad ng kalangitan sa gabing maningning ang mga bituin.

Naiisip ko tuloy na para maiba naman, bukod sa pangkaraniwang, “iniwan na ako ni ganito” o kaya ay “mahal ko na si ganire” bakit hindi ako gumawa ng isang tanong na pwede kong sagutin at siyempre sasagutin din ng mga makakarinig nito.

Tanong: Na-FALL OUT OF LOVE ka na ba sa isang kaibigan? (Kaibagan lang ito ha! Nothing more! Nothing less!)

Siguro tatanungin nyo din ako kung bakit ko pa naisipang itanong ito sa inyo. Siyempre katulad ng mga theory sa science merong pinag-uugatan ang katanungan aking naisip.

Ilang gabi lang ang nakakalipas isang kaibigan, na papangalanan natin FRIEND 1, ang nagsabi sa akin na nararamdaman na daw niyang may namumuong COLD WAR sa pagitan ko at ng isa pang kaibigan, si FRIEND 2. Ang bigat ng mga salitang binitawan niya. Una sa lahat kilala niya ako at mas lalong kilala niya ang kaibigan ko. Naisip lang ni FRIEND 1 na habang tumatagal kasi ang mga araw na pinagsasamahan namin ni FRIEND 2, mas napapadalas na ang mga awayan na nagmumula lang naman sa mga simpleng bagay. Sabi pa ni FRIEND 1, feeling niya daw ang mga simpleng away-bati namin ni FRIEND 2 ay natatapos ngunit para bagang isang tumpok na ng file sa isang opisina na pwede mong halungkatin kahit kailan, kumbaga naka-save na sa isang database.

Alam kong mahal ko si FRIEND 2, katulad ng pagmamahal sa isang kapatid, alam niya yan. Hindi ko isusumbat ang mga bagay na ginawa ko para sa kanya dahil batid ko na ginawa ko ang lahat ng bukal sa aking puso. Ayokong isipin niya na matatalikuran ko siya dahil kahit hindi ko alam makipag-suntukan alam niya dadaanin ko sa sabunutan maipagtanggol ko lang siya sa mga mang-aapi. Ganoon ko siya ka mahal, kung hindi man niya iyon pinapahalagahan wala akong pakiaalam, mahal ko pa din siya.

Bilang isang tao, hindi ko matatanggi na mahina din ako. Kung minsan hindi ko nagugustuhan ang mga bagay na ginagawa ni FRIEND 2. Ang mga akala niyang masasakit na salita na ako lang ang makaka-bigkas ay kaya din niya. Nasasaktan din naman niya ako at alam ko, ako din sa kanya. Magulo pero alam ko naiintindihan ninyo. Normal lang ito, part of growing up.

Ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin sa mga susunod na pangungusap sa artikulong ito. Ang totoo gusto ko lang naman talaga malaman, gusto na mabigyan ng kasagutan ang tanong na aking naiisip. Na-FALL OUT OF LOVE na ba ako sa aking kaibigan?

Ayaw ko magsawa na maging laging nandiyan para sa kanya. Ayaw ko na iwan ko siya at ganun din siya sa akin. Ayaw ko na hindi na siya ituring na kaibigang aking mahal katulad ng pagmamahal sa isang kapatid. Ayaw ko na OO ang maging sagot sa tanong na kahit kailan alam kong HINDI ang isasagot ko.

Kung OO o HINDI man ang sagot mo... Hala! Bakit?

Curtain Call (Goodbye to being WORKMATES. We'll continue to be FRIENDS!)

Friday, January 15, 2010

This is the FAREWELL LETTER I've sent to my colleagues in ePLDT Ventus (Libertad-OB). Another letter followed few days after I've sent this one. That time it was my formal resignation addressed to my manager. September 1st, I'm officially no longer, and in any forms, connected to the company aside from the friends I've left.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
August 22, 2009

Friend,

My two years of stay in the company have been a very fruitful experience for me. This is where I learned the basics of working professionally with people dedicated to the growth of their own selves and the organization as well. It was indeed joyous to see how I've grown up from the time that I was still vying for a seat in the organization to the point that I am already writing this letter. Taking sales calls will never be easy without the help of people like you. You've taught me things that I cannot only apply on my calls but to my personal life.

They say that nothing is permanent in this world but change. And I guess this is the best time for that big change to happen. I know this will be for the better. I may sound selfish, for it is me who's thinking that this will be my chance to escape from the usual me who have been for the past two years. It is not you whom I consider with this decision I'm about to make, everything is about me. I don't know how to explain this but the truth is it is time for my curtain call. I'll be bidding goodbye to my spectators and will say hello to the new show.

I'll forever remember the days when we had laughs, stress, the shouting, fun, soaring high sales goals, the zeros, the gossiping, your reprimands, you being a coach and brother /sister at the same time, cigars, beer towers, and whole lot of criticisms we both manage to swallow and throw up back to their faces. I may not be the perfect agent, employee or friend but I know I have shared some wonderful moments we will both consider as an added learning to what we both have before we knew each other.

I will surely miss everything! So long!

Bee Happy,
Jabee

Salamat kay JOYCE KILMER!

Thursday, January 14, 2010

Nakakatuwang balikan ang mga bagay na natutunan mo noong ang isip mo ay hindi pa kasing lawak katulad ng sa ngayon. Ang Trees ni Joyce Kilmer, ay isa sa mga unang tula na aking nabasa, simple at madali kong naintindihan. Pakiramdam ko noon ay ang talino ko, dahil sa ganoong edad, hindi lahat ng kababata ko ay nakakaintindi na ng Ingles. Nkakaaliw din isipin na ito ay sabay pa naming binabasa ng Mama ko. Tuloy sa tuwing makakakita ako ng puno nire-recite ko ito ng paulit-ulit at pagkatapos bibitawan ang linyang ito;

"Balang-araw, aakyat ako ng puno't magsusulat din ng mga bagay tungkol sa mundo."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


I

think

that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth's sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day, And lifts her

Leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me,

But

only

God

can

make

a tree.

TREES by Joyce Kilmer



pangkaraniwang RIDE ko!

Mga SARDiNAS sa LATANG may GULONG
kuha mula sa MRT
salamat sa: http://farm3.static.flickr.com/2021/2194444213_60316ee53e_b.jpg

BACKSTAGE

Maliwanag...wala akong makita

Maingay...wala akong marinig

Magulo...wala akong madama

Bakit wala? Dahil tapos na ang tawa at luha

bukas magkita ulit tayo sa likod ng tanghalan

baka sakaling makita, marinig at madama na kita.

--October 21, 2005

CLASSIFIED ADS: Wanted Perfect Lover

Tuesday, January 12, 2010

It has been 23 years of life turning events, one hell of a rollercoaster ride. Coming to this point of my life really makes me think how I’ve been for the past years of my existence. Have I really gotten what I am dying to have? Or have I been successful with all the comings and goings in my life? Have I really fell in love? And one thing was there really someone out there who have loved me or who will love me, and be all that crazy about me? Oh, when I say someone who loved or who will love me, I mean not maternal, paternal, brotherly or sisterly love, and not to mention love coming from friends or I may say love of God. I know I get all of that, I’m pretty sure!

I don’t want to sound too egotistic but please spare me for I know that I am longing for full attention. Well, who doesn’t want the idea of having someone going gaga over you? Admit it; everybody dreams to be loved the way they planned it to be.

I am a hundred percent hopeless romantic. I always dreamt of having someone who will sing love songs for me. Someone who will prepare my morning coffee and sunny side up egg. Someone who will give me umbrella when the rain pours. Someone who will tirelessly fetch me from the office every single day. Someone who will give me advil whenever my head aches. Someone who’s going to understand me when everybody don’t. Someone who’s gonna cry when I am not around. Someone who will miss me even if I’m just right beside him. And most specially, someone who will make love with me and will always make love with me even if our hair’s already gray.

I know it is really hard to find that someone but something in me tells me that he is just around. I also figure that finding that someone is very much in reality. I’m not being idealistic, so don’t laugh at me, recount from my past proved me that there is really someone, I know because I have been that someone before in somebody else’s life. Believe me!

Now I’m thinking, if companies appoint their best employees from advertising in classified ads should I do the same for me to find that someone? I’ve seen people doing it in movies! And don’t get me wrong because real people also do it in actuality. In chat rooms, in blog sphere, on TV, text messages, even the simple calligraphy on public toilets or maybe at the back of a bus seat. But since I am hopeless romantic let’s do it old school and be conventional, why not post an advertisement on a national paper, so everybody gets to read it. Better yet on a Sunday paper.
What an idea!!!??? Should I look for him or should I wait for the right time to come. I’m sounding desperate to be in love again, I know right?

España sa Madaling Araw

*********************************************

Nobyembre at Disyembre ni AKO at ang DATI

Binalikan ni ako ang dati, sa pag-asang maulit ang kahapon.
Sinimulan ni ako sa isang simpleng mensahe ng hindi naghahangad ng kasagutan.
Sumagot ang dati at muling nabuo ang tulay sa pagitan nila ni ako.
Naging masaya at pauulit-ulit na tumawa.
Naisip ni ako hindi pa din s'ya nagbago, ang dati pa rin minahal ni ako.
Umiyak ang dati, sinabing mali ang panahon ng pagbalik ni ako.
Tinanong ni ako, paano naging mali?, iyak na lang ang muling sagot.
Hiniling ni ang dati na huwag umalis ni ako, at siya namang pinagbigyan ni ako.
At 'yon na nga, natapos ang taon magkasamang muli ang dati at ni ako.

*********************************************

KAGABI

Ilang araw matapos ang kaarawan niya, dinalaw ko siya sa kanyang apartment. Binigay ang mga bulaklak na muntik ng malanta sa paghihintay ng muli naming pagkikita. Kinamusta ang matamlay niyang mga ngiti at pilit na inilabas ang kanyang mga ngiping mapuputi. Hindi ko alam kung oras na para sabihin ko sa kanya ang lahat, kaya bago ko sinimulan sinugurado ko munang maayos naman siya. Ito ang aking mga sinabi;


Nahihiya ako sa iyo. Hindi ko kasi gustong isipin mo na ako ulit ang mang-iiwan. I will just be here, I'll be around. I just need to focus on my own life now. Hindi na muna siguro kita kukulitin. I need my time now to think and make a decision for my self. Time mo na din para malubos mo ang iyong pag-iisip. Kung nakapag-decide ka na, just let me know para I can let you in on my life again. Just in case ako lang naman ang swertehin pero kung hindi maybe we can just go back to being friends. Naging masaya ako na nagkita tayong muli. Siguro magkikita na lang tayo ulit kapag handa na tayo pareho. Kapag wala nang iba bukod sa atin. Thank you sa lahat J*****.


Natapos ang litanya ko at ang nasabi na lang niya ihahatid na kita. Paglabas namin ng apartment niya naglalakad kami ng walang imikan. Pagdating sa pilahan ng tricycle, walang nakapila. Sabi niya, "Ayaw ka paalisin, ay pauwiin pala.", at singot ko naman na, "Kailangan ko na e!".



*********************************************

KANINA

While browsing a song book na mayroon dito sa bahay nakita ko ang kantang ito. Kinanta ko at pinilit na kinuha ang tono. Naalala ko kagabi lang pala ay nagpaalam ako kay J*****. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanta ko ito para sa kanya o dapat na siya ang kumanta nito para sa akin. Aalis ako hindi dahil sa hindi ko siya mahal. Nagpaalam ako dahil iyon ang dapat. Kailangan niyang mag-isip. Komplikado ang bagay na mayroon kami. Hindi ko masabing may iba dahil wala naman pero mayroon talaga. Ako ang kanyang problema at hindi niya iyon maaayos ngayon. Kaya siguro di-distansya na muna ako sa kanya.

Can I take your smile home with me
Or the magic in your hair
The rain has stopped
The storm has passed
Look at all the colors
Now the suns here at last
I suppose that you’ll be leaving
But I want you to know
Part of you stays with me
Even after you go
Like an actor plays in someone else’s scene
This could not be happening to me

But you were there
You were everything I’d never seen
You woke me up from this long
And endless sleep
I was alone
I opened my eyes
And you were there

*********************************************

NGAYON

Sinulat ko ang blog na ito dahil gusto ko. Gusto kong maalala ang bawat detalye ng mga nangyari noong NOBYEMBRE, DISYEMBRE, KAGABI at KANINA. Hindi ako mabubuhay sa nakalipas gusto ko lang maalala at paulit-ulit na madama ang tamis ng nagdaang huling buwan ng buhay ko. Gusto ko lang talaga.

*********************************************

BUKAS at sa mga DARATING NA MGA ARAW

Mag-iiba na ng kaunti ang mga araw ko. Wala na akong babatiin ng good morning sa umaga katulad ng pagbating gingawa ko sa kanya. Wala na akong pipiliting ngumiti sa tuwing maha-high blood siya sa mga students niya. Wala na akong dadalawin sa apartment sa may San Jose. Wala na din akong mararamdamang kaba sa tuwing hindi siya magte-text o tumatawag man lang. Wala na akong reason para mag-stay pa dito sa condo sa may España. Madami na ang mawawala pero alam ko sa takdang panahon kapag alam na niya ang sagot babalik muli ANG DATI kay AKO at magiging masaya sila. Kung hindi man ganoon malamang babalik kami sa kung ano kami bago nagkaroon ng malisya ang lahat.

*********************************************

ADAN

Monday, January 11, 2010

ito ay isang kwento na sinulat ko noong high school. na-publish sa isang national paper noong summer ng 2004, unfortunately ay hindi na ibinalik ng ka-klase ko ang huling kopya ko ng dyaryong iyon, kaya isinusumpa ko siya. buti na lang nakita ko pa ang soft copy sa aking email. noong panahong sinusulat ko ito nabukasan din ang isip ko kung ano nga ba talaga ako. lumabas ako at inamin sa mundo na ako ay hindi diretso.

**********************************************************************************

Nagsimula sa pag-uusap namin sa chat, nasundan ng pagti-text at hanggang sa tawagan. Dumating ang panahon na ginusto na namin magkita, at nangyari nga. Isang hapon ng Linggo ay nagkita kami sa harap ng simbahan ng Quiapo, napakaraming tao at medyo nahirapan kaming makilala ang isa’t-isa. Sa pagtatagpong iyon ay naging masaya kami. Tinapos namin ang misa na pang-alas-sais, tapos ay dumiretso kami sa isang fast food upang doon ay maghapunan magkasama. Mga isang oras rin kaming nag-usap ng tungkol sa aming mga sariling buhay. Sa mga panahong iyon ay parang ayaw na naming matapos ang gabi. Nang sumunod na araw pagpasok ko sa eskwela ay naikwento ko ang mga nangyari sa akin nang gabing iyon sa aking mga kaibigan. Masaya ako noong araw na iyon at halos lahat ng aking mga kamag-aral ay aking binabati. Napansin ng matalik kong kaibigan, si Lester, na labis nga ang aking kaligayahan at pawang lahat ng aking mga ginagawa ay maganda.

Lumipas pa ang ilang araw, muli na naman kaming nagkita, sa pagkakataong ito ay sinundo niya ako pagkatapos ng aking klase. Masaya na naman ako, dahil sa bawat pagkikita namin ay mas lalo kaming napapalapit sa isa’t-isa. Nagtungo kami sa isang mall, doon ay naglakad-lakad kami at bumili na rin kami ng ilang bagay para sa aming mga sarili, matapos ng nakakapagod na paglalakad naisipan naming kumain sa isang restaurant, siya daw ang taya. “Grabe, bakit ang saya ko kapag kasama ko siya”, naibulong ko sa aking sarili. Sa lalim ng gabi ay madalas ko rin siyang maisip, ano na kaya itong nararamdaman ko?

Isang araw habang ako ay kumukuha ng pagsusulit sa isang klase, tumawag siya sa aking cellphone, nairita ako kasi nagba-vibrate yung cellphone sa bulsa ko. Pagkatapos na pagkatapos ng aking eksam ay lumabas agad ako ng silid upang tawagan siya, “Bakit ka ba tumawag? Anong importanteng bagay ang sasabihin mo?” sinagot niya ang mga tanong ko, “wala na mimiss lang kita kaya kita tinawagan”. “Ganon, alam mo bang nagi-exam ako kanina,” “sorry po, miss lang po talaga kita”. Mula sa tawag na iyon ay muli na naman akong kinilig at parang bigla-bigla ay nais ko na ulit siyang makita. Ngunit hindi maaari dahil marami akong naka-planong gagawin para sa linggong iyon.

Sa nakaraang dalawang lingo ay hindi kami nagkita,puro tawagan at text lamang ang aming naging komunikasyon. Sa mga linggong iyon ay labis akong natuliro, bawat ginagawa ko ay parang lagi na lang ay may kulang. Muli, napansin na naman iyon ni Lester, maging ang aming mga kaklase. “Ano na bang nangyayari sa iyo, kala ko ba balak mong maging cum laude?, Bakit parang pinababayaan mo ang pag-aaral, lagi kang late tapos mabababa pa ang score mo sa exams?”. Ang tanging sagot lamang na namutawi sa aking bibig ay, “nami-miss ko na po siya!”, kaya ko siguro napapabayaan ang aking pag-aaral ay dahil sa kanya. May lumapit sa aking isang kaibigan at sinabing “In love ka no!”, “Totoo nga kayang mahal ko na siya?”. Nang gabing iyon ay nag-ring ang telepono, agad kong sinagot, walang duda na siya na nga, tumagal ng ilang oras ang pag-uusap namin sa telepono, bunsod na rin siguro ng magatagl naming hindi pagkikita. Muli na namang sumigla ang aking mundo , damang-dama ko iyon. Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay sinabi niya ang totoo, na mahal nga niya ako, sa pagtatapat na iyon ay nagtapat na rin ako. Mahal nga namin ang isat-isa. Nang sumunod na araw ay sinabi ko ang bagay na iyon sa aking mga kaibigan, lubos ang naging pagtutol nila, “Hibang ka na ba?”. Ngunit ngiti lamang ang aking naging kasagutan. Nalaman iyon ng buong klase, ang iba sa kanila ay sang-ayon ngunit mas marami ang hindi, isa na rito si Lester. Hindi akalain ng matalik kong kaibigan na kaya ko iyong gawin. “Bahala ka, sana hindi ka magsisi sa ginagawa mo”, “Lester, e mahal ko nga siya e!”.

Ang aming relasyon ay tumagal ng tatlong taon, si Lester naman ay naging matalik ko pa ring kaibigan. Kanya rin natanggap ang lahat sa paglipas ng panahon. Sa tatlong taon na iyon ay malabis kaming naging masaya. Ako bilang isang mag-aaral at maluwalhating nakapagtapos, gayun din si siya at si Lester. Madalas kaming lumalabas at labis na naging masaya. Ginagawa ang mga karaniwang bagay sa pagitan ng magkarelasyon, nagde-date, nanunood ng sine, natutulog magkasama at marami pang iba. Minsan din naming nasubukan mag-motel. Naibigay na namin ang aming mga sarili sa isat-isa at ipinadama ang init ng aming pagmamahalan. Naulit pa ng ilang beses. Ngunit di nagtagal at nagkaroon ng ilang di pagkakaunawaan, siguro panahon na talga.

Ang bawat relasyon ay may wakas, ang matamis naming pag-iibigan ay unti-unting naglaho. Bagamat nanghihinayang ako sa kinahinatnan ng relasyong ito, patuloy ko pa rin siyang minahal.

At kailanman hinding-hindi ko pinagsisisihan na nagawa kong magmahal ng isang kapwa ko Adan.

A Letter I sent last Christmas

25 December 2009


J*****,

Happy Holidays!

I see how hard this year have been for you. I just hope that despite all the pain you've gone through, you don't lose the J***** that I know or maybe always bear in mind that changes are made for betterment. I hope to hear from you soon.

By the way, I just want to let you know that this year you've taught me the meaning of the word TRUST, and even if the circumstances already showed you the truth you still hold on to that TRUST you've invested.

I don't want to pressure you, so you could take all your time, I will stay as long as I can and as much as you want me to. I know I'm getting emotional at times, but just spare me with that. I know that you will understand me as much as I understand you.

It is hard to put into words what my heart really feels for you but at least let me try,

"This time I'm sure I've fallen for you and I'm willing to take the risk. Oh, it just means that I LOVE YOU! For real! Whenever I say I need you, I mean that I want to feel you. I want to feel that same old feeling you've given me years back. You might have change over the time but I know that you still have the heart, capable of feeling, capable of caring, and CAPABLE of LOVING ME AGAIN."

Again, Happy Holidays and I LOVE YOU!

Hugs and Choochoo,
Julius

Jabee's Random Thoughts

Sunday, January 10, 2010

thinking out loud

...thinking on top of my head...
thinking out loud


************************************************
PEOPLE CHANGE but not the ones you know.
************************************************
You can find happiness in your own hands.
************************************************
Silence for a moment is healthy. It can clear
clogged lines of communication. But silence
longer than a moment will lead to dead air,
then hung up. Tooooooooooootttt!
************************************************
In sleep we dream, in dreams we explore beyond
our horizon, WE FLY instead of WALKING, WE are
the AUTHORITY rather than a FOLLOWER, WE LOVE
and NEVER GET HURT, until WE WAKE UP and WISH
it NEVER ENDED.
************************************************

Si Panda at Si Bamboo

Noong unang panahon ay mayroong malungkot na Bamboo. Minsan naisipin nitong magpasira na lamang sa bagyo sa pag-aakalang walang nagmamahal at magmamahal pa sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may dumating na isang Panda. Isang nagugutom na Panda. Kinuha nito ang mga dahon ng Bamboo at kanyang kinain, natuwa ang Bamboo dahil sa unang pagkakataon ay mayroong nakapansin sa kanya at naramdaman niyang siya pala ay may halaga sa mundo. Nang matapos kumain ang Panda ay nakaramdam ito ng antok at piniling matulog ng nakasandal sa Bamboo. Simula noon ay hindi na muli pang naghiwalay ang Bamboo at Panda, isang pagsasamang nagpapatunay na sila ay para sa isa’t-isa, nilikha ng diyos para magdamayan at magsama habang buhay.

Kakanta Ako!

kakanta ako
sa sarili kong tono

lahat makikinig
mga tenga hanggang mamintig

kakanta ako
minsan nasa tono

lahat ay papalakpak
pagkatapos magsisihagalpak

kakanta ako
nasa tono

walang makakarinig
binging mga pandinig

kakanta ako!

Kape, Yosi at Musika sa Umaga.

Kape.
Mainit, nakakapaso,
ngunit pilit na hinihigop.
Matikman ang sarap ng pait,
animo’y tamis na nagpapangiti.

Yosi.

Mabaho, umuusok,
ngunit pilit na hinihithit.
Usok na nakasusulasok,
hanging nagbibigay buhay.

Musika.
Tunog, napakikinggan,
marinig ka’y melodiya ng pagbabaliktanaw,
kwento ng ating nakaraan.

Kape, Yosi, at Musika.

Kasama ko sa bawat umaga.
Kasi kahit wala ka na,
basta meron ako ng mga ito, kapiling ka sa tuwina.

PROLOGO

Ang pagsusulat ang una kong pag-ibig. Panandaliaang nilimot kapalit ng ilaw at palakpakan sa tanghalan. Ngayon, muling babalikan ang bagay na unang nagpatibok sa aking puso. Muling paluluhain ang bolpen at pilit na ipadarama sa papel na siya ay mahalaga. Sabi nga nila, “FIRST LOVE NEVER DIES!”.